Anything Under the Sun


(Elvin) #1

This topic is for general discussions. Kahit anong gusto nyong sabihin. Siguro umpisahan ko nalang ito by telling our experience papunta sa bansang to. Alam ko nabanggit ko na ito sa ibang topic pero ulitin ko nalang. Nakapunta kami dito dahil swerte ng nabigyan ako ng job offer. Nagapply ako for Skilled Migrant last 2016. I was also here after 2011 earthquake. That time ang konti ng tao kaya nung nakabalik ako nung 2016 medyo natuwa ako kasi dami na Pinoy. Nung 2017 medyo mababa pa points na kailangan para ma qualify for reaidency. Nakasama ako sa last batch bago sila magtaas ng points. Hindi naging madali mag process namin ng application namin. Madaming requirements na need maipasa. Sobrang laking tulong ng mga kakilala kong Pinoy sa pag guide sakin. Mga questions like ano mga hihingin sa Immigration, cost of living and ano mga dapat dapat i consider. Nagaayos na kami requirements kahit hindi pa kami nabibigyan ng Invitation to Apply for Residency. Malaking bagay yun dahil na shorten yung time of processing saka na estimate ko gaano katagal aabutin ng buong process. I think we can create a topic for Visa Applications in the future. Dun siguro ilagay ko yung detailed process. Anyway, hanggang dito nalang muna tong post ko. Just feel free to talk about anything in this topic. Eto nalang maging tambayan natin sa kahit anong pwedeng pagusapan.


(Kristine Masangkay) #2

Hello @elvin. Thank u sa pag share saka sa pag gawa ng site. Matagal na ako naghahanap ng ganito. It’s like there’s no more enough space sa mga groups sa facebook kasi puro benta nalang lagi bumubungad tuwing bubuksan ko. This site gives me enough air to breathe and have a quality talk sa ibang mga pinoy. I hope mag grow ang community na ito and ma preserve ang maayos na usapan.

PS
I’m 100% supporting this site. Gusto ko maging part sa paglaki neto. :kissing_heart:


(Elvin) #3

Wow! Hehe may nag reply. San mo po nakita tong website na to? Salamat sa pag sign up. And question lang, bakit gising ka pa? Baka pareho tayong mahilig mag puyat. :rofl: Yeah, I agree with you, kaya ginawa ko tong site na to kasi I believe there should be a place for selling at ibang lugar para sa usapan lang. At kung ano lang topic, ayun lang pagusapan. Pero in this topic, as the title says, anything under the sun. Labo Labo dito hehe. I will just let others create their own discussions. Here we can talk to anyone na makikita din ng iba usapan natin. Hopefully makatulong tayo sa iba thru archived discussions.


(Kristine Masangkay) #4

Nagmessage lang po friend ko to sign up here. Going to sleep na din po. Thanks again! Masarap dito kasi quality conversation. Nytie! Sana dumami tao dito. Hihi :kissing_heart:


(Rey Balagtas) #5

Hi @kristineM, gusto ko din quality conversation. :blush: pwede ko ba makuha number mo? Joke lang. Pero kung ibibigay mo mas okey. Hahahaha Welcome welcome!


(Elvin) #6

Oh my. Haha kuya @reyb napakabilis mo hindi mo manlang tinanong if single pa si @kristineM :face_with_hand_over_mouth: makatulog na nga. Baka makaistorbo pa ako sa inyo. :sweat_smile:


(Alfredo Lupez ) #7

Hello po sa inyo! I’m from Auckland


(Alfredo Lupez ) #8

Musta po sa inyo. Bago lang po ako member ng group na to. Kadarating ko pa lang dito sa NZ about 2 months ago. Naka general visit visa ho ako. Pero magapply ng extension kasi gusto ko sana makapagtrabaho dito matagal.


(Mark Estudio) #10

Hello guys. I’m mark from wellington, sa wakas may nakagawa narin ng ganitong site! Sobrang laking tulong nito para sating mga Pinoy na nasa iba’t ibang panig ng nz, dahil dito pwede tayo mag kausap usap and sana dumami pa tayo dito at may makilala pa :slight_smile:


(Mark Estudio) #11

Same tayo! Hahaha feeling ko kasi dito sa nz ehh nag iisa ako. Hahaha pero buti nalang talaga meron nito. Big help para sating Pinoy na nasa nz :slight_smile:


(Elvin) #12

@Alopez we wish you good luck in the future. You should process your visa soon. 1 month to go. Balitaan mo kami what will happen to your extension. Cheers!


(Elvin) #13

@Mac_E hello bro! Welcome here. Are you working? If yes, ano po work mo dito kabayan? :slight_smile:


(Leo Zuniga) #14

Hello everyone! Leo here from Auckland. Nice site!


(Rey Balagtas) #15

Hello @kristineM hinihintay ko pa din po msg mo. :slight_smile:


(Kristine Masangkay) #16

Hello po kuya @reyb. :blush: Nice to meet you po.


(Ofelia) #17

Hi ako si Nining. Salamat sa pagawa nito. Kumusta sa lahat. God bless you all


(john bacuitis) #18

heloo kabaya


(Elvin) #19

Hello kabayan. Welcome here! :slight_smile: